Ordered it at 12/25 and dumating the day after. Goods din yung pag packaging nila kasi inabot ako halos 5 mins para mabuksan yung mismong box ng monitor. Fortunately, it worked out of the box and walang mga dead pixel. For the monitor itself, first monitor ko ito so di rin ako makakapagbigay ng detailed review pero for me all goods naman siya and nareach ko yung full 180Hz refresh rate niya by using a Display Port cable. Hindi ko ginamit yung included stand ng monitor kasi nakita ko sa mga reviews na nag wobble siya kahit slight movement. Gumagana rin naman yung HDR niya. Nag pop yung colors and mas naging vibrant kaya lagi ko siyang gamit. Also, hindi rin naman masyadong madilim yung brightness niya for me despite it having 250 nits maximum. Siguro kung tapat sa araw yung setup niyo, doon magkakaroon ng problems in terms of viewing. Ang napansin ko lang na issue is yung inverse ghosting or artifacts or kung ano man ang tawag kapag sinet ko sa Extreme yung Over Drive ng monitor which is yung response time niya. Very noticeable siya kapag naglalaro ako ng Valorant or Crossfire kasi parang nag iiba yung textures ng laro. Hindi naman nakakasira ng gameplay pero mapapansin mo talaga kaya sinet ko na lang siya sa Normal and nawala naman. Suggestion ko lang siguro sa mga future buyers ng monitor na ito is to wait for its sale. Nakuha ko siya 10,995 and I believe naglalaro sa 14.5k yung original price nito. Mag invest na rin kayo sa monitor mount para mas maraming adjustment yung monitor niyo kasi height lang ang ibibigay ng included stand niya. Just make sure na supported ng mount yung 100 x 100 mm VESA para makabit yung monitor.